Thursday, August 7, 2014

Huwag na maging “Plastik” sa Plastik


Plastic; isang bagay na kadalasang makikita natin pakalat-kalat sa ating kapaligiran. Ito’y ginagamit natin sa ating mga pangaraw-araw na gawain at karamihan ng mga gamit natin ay gawa sa plastic. Hindi natin maipagkakaila na ang plastic ay binubuo ng mga makapaminsalang mga kemikal sa kalusugan tulad ng Bisphenol A, Phthalates, Vinyl Chloride, Dioxin, at Styrene. Itong mga kemikal na ito ay maaring makapagdulot ng cancer at problema sa paglaki ng isang nilalang.

Dahil sa maling pagtapon ng ating basura, maraming mga plastic ang nagkalat sa ating mga katubigan. Tulad ng epekto nito sa kalusugan ganoon rin ang epekto nito sa mga isda at iba pang mga nilalang sa katubigan. Itong mga kemikal na ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang tirahan. Dahil sa mga makapaminsalang mga pagbabago na ito, hindi na magiging akma ang anatomya ng mga isda sa kanilang tirahan. Ito ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng fish kill.

Itapon natin ang ating basura sa tamang lugar kung saan hindi ito makakaabala o makakapaminsala ng ibang nilalang. Ang katubigan ay hindi isang malawak na basurahan para sa ating mga tao, dapat natin alalahanin ito ay ang tirahan ng mga isda. Dapat pagingatan natin ang ating yamang tubig tulad ng mga isda dahil sila ay nagbibigay ng hanap-buhay at pagkain para sa ating mga tao. Bilang pasasalamat sa mga nabibigay ng mga yamang tubig, pangalagaan natin ito ng buong puso.


No comments:

Post a Comment