“Panahon kay bilis, dating malinis ngunit ngayon hindi ko na alam ang nangyari”. Base sa mga sinabi ng mga matatanda sa ating lipunan, ang Ilog Pasig noon ay napakaganda. Malinaw ang tubig at maraming isdang nabubuhay. Malaki ang pakinabang ng Ilog Pasig para sa mga tao noon dahil ang tubig nito ay ginagamit upang maligo, maglaba ng mga damit at uminom ng malinis na tubig. Ginagamit din itong pangkalakalan upang makapunta sa mga lugar. Ngunit, sa pag lipas ng panahon, napabayaan ito at hindi pinahalagahan. May magagawa pa ba tayo upang pigilan ang pagkamatay ng Ilog Pasig? Kaya pa ba natin tiisin ang baho at dumi nito habang buhay?
Madaming taon na ang nakalipas, madaming Presidente at Senador narin ang umupo sa mataas na kapangyarihan subalit hindi nila nagawan ng solusyon ang pagkadumi ng Ilog Pasig. Hindi na tayo natuto sa mga nagdaan na bagyo, kung saan bumabaha ng sobra dahil sa mga basurang nakabara dito. Siguro hindi na natin maibabalik sa dating ganda ang Ilog Pasig pero kaya pa nating pigilan para hindi ito tuluyang mamatay. Una nalang ang tamang disiplina sa ating sarili dahil kung meron tayong disiplina, tiyak na matatapon na natin ang ating mga basura sa tamang lugar at hindi sa kung saan saan lalo na't sa ilog. Pangalawa, Nararapat na magkaroon ng pagkakaisa ang mga tao upang tulungan nila ang ating gobyerno sa pagpapahayag ng kalinisan sa kapaligiran. Pangatlo, ang gobyerno ay dapat magkaroon ng isang proyekto upang kada buwan ay linisin ang ilog at bawasan ang mga nakatambak na basura dito. Magagawa naman natin lahat ng ito kung may kusang loob lang tayo at may pagmamalasakit sa mga susunod na henerasyon. Dapat tayong maging modelo para mabuhay sila ng mapayapa at mabuhay sa malinis na mundo o lugar.
Hikayatin natin ang bawat isa patungo sa magandang hinaharap. Huwag nating sarhan ang ating mga utak sa mga posibilidad kung paano malilinis hindi lang ang Ilog Pasig pati narin ang ating kapaligiran. Nabubuhay tayo hindi para sirain ang kalikasan, nabubuhay tayo para pangalagaan ang kagandahan nito. Sana muling mabalik ang sigla ng Ilog Pasig
No comments:
Post a Comment