Thursday, August 7, 2014

Ingatan ang Tahanan ng mga Isda


Maari ninyong narinig na ang mga lugar katulad ng Tubbataha o ang Great Barrier. Ang mga lugar na ito ay tinatawaag na reef na kung saan ito ay nakikita sa gitna ng karagatan o dagat. Ngunit ano nga ba ang reef? Gaano ito kaimportante sa ating katubigan at paano nito naapektuhan ang ating kalikasan?

Unang una, ang reef ay umaasta bilang mga puno sa gubat. Nagbibigay ito ng tirahan (habitat) sa parehong hayop at halaman. Dahil dito, maraming habitat ang nagagawa sa ilalim ng dagat at Itinuturi ang  coral reefs bilang ‘Biodiversed’. Malaking tulong ang coral reefs dahil parang mga gubat tinatawag din itong ‘Carbon Sink’ na ang ibig sabihin ay sinisipsip nila ang carbon dioxide, na alam natin ay nakakasama sa kalikasan at ang pangunahing dahilan ng climate change. Nakakatulong din ito sa mga taong nakatira malapit sa mga coral reefs dahil tumutulong ito sa pamamagitan ng pag tigil sa coastal erosion. Binabawasan din nito ang mga lakas ng alon na dulot ng mga bagyo. At ang pinaka importante ay ang pang ekonomiyang benepisyo nito. Isa ito sa mga pinaka kritikal na kinukunan ng pagkain. Ang lugar na ito ay nagbibigay ng libu-libong trabaho para sa mga taong nakatira malapit sa dagat. Ang mga produktong nakukuha dito ay maaring gamitin para sa lokal na komunidad o pang export sa ibang bansa.

Ngunit hindi maiiwasan na ito ay likas sa mga kagagawan ng mga tao. Ang pinaka problema ng mga coral reefs ay ang pag-uusbong ng polusyon. Mga sewage wastes, industrial run-off at mga pagmimina. Ang paggamit ng Cyanide at dynamite sa pangingisda. Dahil sa iresponsableng kagagawan ng mga tao, nanganganib at pili na lamang ang mga coral reefs na talagang ligtas sa mga masamang pangyayari.

Noong Enero 2013, ang barkong minesweeper, USS Guardian, na minamay-ari ng United States ay na-stuck sa gitna ng Tubbataha Reef at kinakailangang tanggalin ito upang hindi masira ang Coral Reef na nasa ilalim. Katulad ng halimbawang ito, alanganin ang seguridad ng likas yaman ng ating bansa sapagkat hindi natin maiiwasan ang ganitong pagkakamali.


Upang tugunan ang problema ng Coral Reef, kinakailangan na matindi at malaki ang seguridad sa lokasyon upang matingnan nang mabuti ang mga pangyayari. Nararapat na ang gobyerno ay gumawa ng batas upang alagain ang mga ito. Dahil ito ay isang aspeto ng ekonomiya, nararapat na ang gobyerno ay gumawa ng proyekto upang malunasan ang problema. Dapat mag tulungan ang lahat para pigilan ang pagkasira ng ating Coral Reef.

No comments:

Post a Comment