Thursday, August 7, 2014

Mga Sanhi sa Pagkasira ng Yamang Tubig


Ang mundo ay binubuo ng tubig at lupa sapagkat 70% ng mundo ay tubig at 30% naman ang lupa. Dahil dito, napakahalaga ang tubig sa atin dahil dito nanggagaling halos lahat ng yaman ng mundo lalo na sa ating bansa. Ngunit, may mga ila’t-ilang mga sanhi na kung saan ang yamang tubig ay sinisira.

Nanganganib ang ating yamang tubig dahil sa polusyon na dulot ng basura, mga pabrika, dumi galing sa canal at asido na galing naman sa ulan. Ang lahat ng mga dulot na ito ay nanggagaling sa aksyon ng mga tao. Marami ang epekto ng polusyon sa tubig; ang mga buhay – isda at coral reefs -- sa ilalim ng tubig ay nanganganib sapagkat ang tubig na kung saan sila’y nakatira ay marumi na at maaring maapektuhan ang kanilang loob, ngunit di lamang ang mga hayop sa ilalim ng tubig ang naapektuhan pati na rin ang mga hayop din na kumakain ng isda, kasama na rito ang mga tao. Maaring mabigyan ng sakit na galing sa isda at mapasa sa bawat hayop at ang malala, maaring maipasa sa ating mga tao. Dadating naman tayo sa nanganganib ng ating kapwa tao, napakahalaga ng tubig sa atin sapagkat ‘di tayo mabubuhay kapag wala ito. Ang ating tubig ay galing sa mga lawa at sa mga ilog, at kung ito’y naapektuhan ng polusyon, malaking impak ito sa atin. Sa larangan naman ng Ekonomiya, mahal ang paglinis ng tubig at maslong mamahal ito kapag ang tubig na ating ginagamit ay galing sa mga maruruming lawa o ilog. Maapektuhan rin ang mga mangingisda, sapagkat hihirap ang kanilang pangingisda at bababa ang kanilang benta at kung mangyari ito, matatamaan ang ekonomiya ng bansa lalo na malaki ang porsyento ng ekonomiya ng bansa ang galing sa yamang tubig. Sabi sa mga research, nawawalan ng halos $1 billion bawat taon ang US dahil lamang sa polusyon sa tubig. 

May mga paaran naman upang maiwasan ang polusyon sa tubig, tulad ng pag-iwas ng tapon ng basura sa mga tubig, kahit saan man ‘to. Paggamit ng tubig sa tamang paraan , ang pagtanim ng mga halaman at puno at ang pagsunod sa batas ng gobyerno ukol sa pag-ingat sa ating yamang tubig. Napakahalaga ng tubig sa atin, at dapat lamang natin itong bigyan ng respeto sapagkat may buhay din ito at nakasalalay ang ating buhay dito.


10 comments:

  1. Papano kami buboto kung wala namang button yung mga choices.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman kase sa lahat ng oras kailangan bumuto. Minsan Common sense na lang kung ano ba dapat gawin. Kahit hindi sabihin kung me common sense ka alam mo gagawin mo. Hehe :>

      Delete
  2. Hingin ko po sana ang inyong pahintulot na kung maari ko pong ipost ito sa FB .salamat

    ReplyDelete
  3. pwede ko po kopyahin para sa project namin

    ReplyDelete
  4. Thank you po HAAHHA assignment namin:>

    ReplyDelete
  5. Pwedi po bang in short ang sagot jaan

    ReplyDelete