Thursday, August 7, 2014

Sira ang Isa, Susunod ang Lahat


Ang Pilipinas ay ikinikilala bilang isang bansa na isa sa mga pangunahing pangkabuhayan ng mga mamamayan ay ang pangingisda. Ang gawaing ito ay ang mga trabaho ng mga tao na malapit sa dagat kung saan nakasalalay ang sweldo nila sa dami ng kuha. Ang kuha nila ay mahalaga sa ating lipunan sapagkat ang bawat isa ay dapat kumain ng isda upang makapagtrabaho ng maayos. Bilang bansang napapaligiran ng tubig. Ang pangingisda ay naging isang bagay na pinagkukuhanan ng yaman ng bawat Pilipino lalo na sa bandang Visayas at Mindanao dahil ang pangingisda ay ang natatangi nilang paraan para makakuha ng pera. At isa rin ito sa natatanging pinagkukuhanan ng pera ng mga Pilipino. 

Dahil sa kahirapan ng ating bansa at korupsyon ng gobyerno, may mga mangingisda na gumagawa ng masama upang makakuha ng pera. Isa rito ang pag usbong ng “dynamite fishing” kung saan ang mga mangingisda ay magtatapon ng dinamita sa tubig para makakuha ng mga isda. Pero ang prosesong ito ay nakasisira ng mga yamang-dagat, tulad ng mga batong dagat o “corals” at nakakasira din ng tubig dahil sa mga kemikal na nahahalo sa tubig. Ang kemikals na ito ay nakalalason sa mga isda at maari silang mamatay. Maari ring malison ang tao dahil sa lason na nakuha ng isda.


Upang matugunan ang problema na ito, nararapat na ang gobyerno at ang bawat mamamayan ay magkaisa upang ito ay hindi maulit at pigilan. Isang halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng mga programa o proyekto na makakatulong sa pagpigil ng “dynamite fishing” tulad ng mga fun run at iba pa.

No comments:

Post a Comment