Maraming implikasyon ang mangrove sa ating yamang tubig na makatutulong sa ating ekonomiya. Ang mga isda at mga shellfish kung saan ito ang kanilang "breeding" ground ay makakabenepisyo sa mga mangrove. Nakatutulong rin ito sa pagpigil sa mga baha at nagbibigay rin ang mga mangroves ng pagkain para sa tao. Ngunit may mga problema ang mangrove forests sa kasalukuyan dahil sa mga gawa ng tao tulad ng basura. Aalahanin natin na ang mga mangrove forests ay importante sa ecosystem ng mga hayop at ng tao. Nararapat na mabigyan ito ng solusyon ng Department of Environment and Natural Resources upang ito ay hindi lubos na mawala.
KATWIRANG PAGMAMALASAKIT
Isang Nais, Isang Puso, Isang Desisyon tugon sa Suliranin ng Yamang Tubig.
Friday, August 8, 2014
Thursday, August 7, 2014
May Pag-asa ba ang Laguna de Bay?
Higit
na hindi naiintindihan ng ating mga mamamayan ang importansya ng lawang ito.
Ang iilan sa mga tao sa kapaligiran nito ay nakatitig lamang na tila walang
pakialam o walang alam sa kondisyon nito ngayon.
Ang
Laguna de Bay ay ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa
silangan ng Kalakhang Maynila, hilaga ng Laguna at Timog ng mga probinsya ng
Rizal. Ito ay may itsurang tila letrang “w”.
Karamihan sa mga pinagkukunan ng ating mga isda ay nagmumula rito.
Maraming
kababayan ang nakaasa ang kanilang hanapbuhay sa lawang ito. Simula sa mga
mangingisda, hanggang sa mga kargador at tindera sa mga palengke ay kinukuha sa
Laguna de Bay ang salapi at pagkain nila. Sa sitwasyong ito, may ekonomiyang
maaapektuhan. Mikroekonomiks nito ay ang pangunahing merkado sa paligid. At
kung lalawakan pa natin, maaapektuhan ang presyo ng isda sa mga kalapit na
probinsyang kumukuha ng isda mula rito.
Malimit
nating nalalaman na napakalaki ang papel ng lawang ito sa atin. May dalawampu’t
isang (21) mga ilog ang umaambag sa mga tubig nito. Ito ay likas na dike ng
tubig kung saan malaking nagagawa upang iwasan ang mga pagbaha sa maraming
lugar. Kapag mataas ang lebel ng tubig sa ilog Pasig, idinidirekta ng Manggahan
Floodway ang tubig papunta sa lawa. At idinidirekta naman papunta sa Manila Bay
ang tubig kung mataas ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay. Pinagkukunan din ng
Kalayaan Pumped Storage Power Plant ng tubig upang makagawa ng kuryente.
Ayon
sa mga pag-aaral ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), naging isang
malaking “septic tank” na raw ang
lawa.
Pitumpu’t
walong porsyento ng polusyon nito ay maisasangkot ang lokal na dumi mula sa
mahigit na 25 000 na “informal settlers” at mga nagtitinda ng isda sa paligid
nito.
Delikado
ang tubig nito na napagkakitaan ng kontaminasyon na lalung-lalo na galling sa
pagdudumi ng katawan ng mga tao.
Ang
mga industriya sa paligid nito ay walang karampatang “waste facilities” kung saan ito ay tinutugis na ng mga opisyal
dahil ito ay isang malaking pangangailangan ng batas upang makapagsagawa ng
kani-kanilang operasyon ang mga negosyong ito.
Dahil
sa mataas na populasyong ng mga isdang mataas ang halaga tulad ng tilapia,
bangus at hito, naging atraksyon na ito sa mga mangingisdang magtayo ng “fishpens”. Ayon sa mga awtoridad, hindi
naman nakasasama na magkaroon ng fishpen sa isang lawa. Ngunit sa panahon
ngayon, nasasakal ang lawa sa mahigit 60 000 ektaryang fishpen (lagpas sa
kalahati ng pang-ibabaw na sukat ng lawa. Malaking lagpas sa 9 000 na ektaryang
pinapayagan lamang ng batas. Karamihan kase ay mga ilegal na operasyon ng
pangingisda.
Isa
rin sa mga problema ng Laguna de Bay ay ang mataas na bilang ng “Janitor Fish”. Dahil sa malawakang polusyon sa lawa, nabubuhay ng matiwasay ang
mga janitor fish dito. Inuubos ng mga ito ang mga “algae” na siyang pagkain ng ibang mga isda. At nasisira ng mga
palikpik nito ang mga lambat ng mga mangingisda.
Sa
kasulukuyan, ginagawa ng pamahalaang pamprobinsya ang kanilang makakaya upang
tugunan ang iilan sa napakaraming problema ng Laguna de Bay. Sa sawing palad,
ang mga problemang ito ay maiuugat sa ating mga mamamayan, mula sa pagdudumi ng
ilog at pagtatapon ng mga basura sa hindi nararapat. Kailangan nating pahalagahan
ito dahil malaking tulong ito upang maiwasan ang mga pagbabaha sa Metro Manila
at ito ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga isda.
Kung
iuugnay sa ekonomiks, napakalaking epekto ang pagkakamatay ng mga isda rito. Sa
isang “fishkill” na naganap noong
Mayo 2012, agarang tumaas ang presyo ng mga isda noon. May iilan din ang
nagkasakit dahil sa isdang nakain. At maraming tao ang nahintuan ng hanapbuhay
pansamantala. Marami rin ang nagambala sa mga isdang nagmula rito.
May Pag-asa ba ang Ilog Pasig?
“Panahon kay bilis, dating malinis ngunit ngayon hindi ko na alam ang nangyari”. Base sa mga sinabi ng mga matatanda sa ating lipunan, ang Ilog Pasig noon ay napakaganda. Malinaw ang tubig at maraming isdang nabubuhay. Malaki ang pakinabang ng Ilog Pasig para sa mga tao noon dahil ang tubig nito ay ginagamit upang maligo, maglaba ng mga damit at uminom ng malinis na tubig. Ginagamit din itong pangkalakalan upang makapunta sa mga lugar. Ngunit, sa pag lipas ng panahon, napabayaan ito at hindi pinahalagahan. May magagawa pa ba tayo upang pigilan ang pagkamatay ng Ilog Pasig? Kaya pa ba natin tiisin ang baho at dumi nito habang buhay?
Madaming taon na ang nakalipas, madaming Presidente at Senador narin ang umupo sa mataas na kapangyarihan subalit hindi nila nagawan ng solusyon ang pagkadumi ng Ilog Pasig. Hindi na tayo natuto sa mga nagdaan na bagyo, kung saan bumabaha ng sobra dahil sa mga basurang nakabara dito. Siguro hindi na natin maibabalik sa dating ganda ang Ilog Pasig pero kaya pa nating pigilan para hindi ito tuluyang mamatay. Una nalang ang tamang disiplina sa ating sarili dahil kung meron tayong disiplina, tiyak na matatapon na natin ang ating mga basura sa tamang lugar at hindi sa kung saan saan lalo na't sa ilog. Pangalawa, Nararapat na magkaroon ng pagkakaisa ang mga tao upang tulungan nila ang ating gobyerno sa pagpapahayag ng kalinisan sa kapaligiran. Pangatlo, ang gobyerno ay dapat magkaroon ng isang proyekto upang kada buwan ay linisin ang ilog at bawasan ang mga nakatambak na basura dito. Magagawa naman natin lahat ng ito kung may kusang loob lang tayo at may pagmamalasakit sa mga susunod na henerasyon. Dapat tayong maging modelo para mabuhay sila ng mapayapa at mabuhay sa malinis na mundo o lugar.
Hikayatin natin ang bawat isa patungo sa magandang hinaharap. Huwag nating sarhan ang ating mga utak sa mga posibilidad kung paano malilinis hindi lang ang Ilog Pasig pati narin ang ating kapaligiran. Nabubuhay tayo hindi para sirain ang kalikasan, nabubuhay tayo para pangalagaan ang kagandahan nito. Sana muling mabalik ang sigla ng Ilog Pasig
Huwag na maging “Plastik” sa Plastik
Plastic; isang bagay na kadalasang makikita natin pakalat-kalat sa ating kapaligiran. Ito’y ginagamit natin sa ating mga pangaraw-araw na gawain at karamihan ng mga gamit natin ay gawa sa plastic. Hindi natin maipagkakaila na ang plastic ay binubuo ng mga makapaminsalang mga kemikal sa kalusugan tulad ng Bisphenol A, Phthalates, Vinyl Chloride, Dioxin, at Styrene. Itong mga kemikal na ito ay maaring makapagdulot ng cancer at problema sa paglaki ng isang nilalang.
Dahil sa maling pagtapon ng ating basura, maraming mga plastic ang nagkalat sa ating mga katubigan. Tulad ng epekto nito sa kalusugan ganoon rin ang epekto nito sa mga isda at iba pang mga nilalang sa katubigan. Itong mga kemikal na ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang tirahan. Dahil sa mga makapaminsalang mga pagbabago na ito, hindi na magiging akma ang anatomya ng mga isda sa kanilang tirahan. Ito ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng fish kill.
Itapon natin ang ating basura sa tamang lugar kung saan hindi ito makakaabala o makakapaminsala ng ibang nilalang. Ang katubigan ay hindi isang malawak na basurahan para sa ating mga tao, dapat natin alalahanin ito ay ang tirahan ng mga isda. Dapat pagingatan natin ang ating yamang tubig tulad ng mga isda dahil sila ay nagbibigay ng hanap-buhay at pagkain para sa ating mga tao. Bilang pasasalamat sa mga nabibigay ng mga yamang tubig, pangalagaan natin ito ng buong puso.
Relasyon ng Tubig at Basura
Ang mundo ay binubuo ng tubig at lupa sapagkat 70% ng mundo
ay tubig at 30% naman ang lupa. Dahil dito, napakahalaga ang tubig sa atin
dahil dito nanggagaling halos lahat ng yaman ng mundo lalo na sa ating bansa.
Ngunit, may mga ila’t-ilang mga sanhi na kung saan ang yamang tubig ay
sinisira.
Nanganganib ang ating yamang tubig dahil sa polusyon na
dulot ng basura, mga pabrika, dumi galing sa canal at asido na galing naman sa
ulan. Ang lahat ng mga dulot na ito ay nanggagaling sa aksyon ng mga tao.
Marami ang epekto ng polusyon sa tubig; ang mga buhay – isda at coral reefs --
sa ilalim ng tubig ay nanganganib sapagkat ang tubig na kung saan sila’y
nakatira ay marumi na at maaring maapektuhan ang kanilang loob, ngunit di
lamang ang mga hayop sa ilalim ng tubig ang naapektuhan pati na rin ang mga
hayop din na kumakain ng isda, kasama na rito ang mga tao. Maaring mabigyan ng
sakit na galing sa isda at mapasa sa bawat hayop at ang malala, maaring maipasa
sa ating mga tao. Dadating naman tayo sa nanganganib ng ating kapwa tao,
napakahalaga ng tubig sa atin sapagkat ‘di tayo mabubuhay kapag wala ito. Ang
ating tubig ay galing sa mga lawa at sa mga ilog, at kung ito’y naapektuhan ng
polusyon, malaking impak ito sa atin. Sa larangan naman ng Ekonomiya, mahal ang
paglinis ng tubig at maslong mamahal ito kapag ang tubig na ating ginagamit ay
galing sa mga maruruming lawa o ilog. Maapektuhan rin ang mga mangingisda,
sapagkat hihirap ang kanilang pangingisda at bababa ang kanilang benta at kung
mangyari ito, matatamaan ang ekonomiya ng bansa lalo na malaki ang porsyento ng
ekonomiya ng bansa ang galing sa yamang tubig. Sabi sa mga research, nawawalan
ng halos $1 billion bawat taon ang US dahil lamang sa polusyon sa tubig.
May mga paaran naman upang maiwasan ang polusyon sa tubig,
tulad ng pag-iwas ng tapon ng basura sa mga tubig, kahit saan man ‘to. Paggamit
ng tubig sa tamang paraan , ang pagtanim ng mga halaman at puno at ang pagsunod
sa batas ng gobyerno ukol sa pag-ingat sa ating yamang tubig. Napakahalaga ng
tubig sa atin, at dapat lamang natin itong bigyan ng respeto sapagkat may buhay
din ito at nakasalalay ang ating buhay dito.
Sira ang Isa, Susunod ang Lahat
Ang Pilipinas ay ikinikilala bilang isang bansa na isa sa mga pangunahing pangkabuhayan ng mga mamamayan ay ang pangingisda. Ang gawaing ito ay ang mga trabaho ng mga tao na malapit sa dagat kung saan nakasalalay ang sweldo nila sa dami ng kuha. Ang kuha nila ay mahalaga sa ating lipunan sapagkat ang bawat isa ay dapat kumain ng isda upang makapagtrabaho ng maayos. Bilang bansang napapaligiran ng tubig. Ang pangingisda ay naging isang bagay na pinagkukuhanan ng yaman ng bawat Pilipino lalo na sa bandang Visayas at Mindanao dahil ang pangingisda ay ang natatangi nilang paraan para makakuha ng pera. At isa rin ito sa natatanging pinagkukuhanan ng pera ng mga Pilipino.
Dahil sa kahirapan ng ating bansa at korupsyon ng gobyerno, may mga mangingisda na gumagawa ng masama upang makakuha ng pera. Isa rito ang pag usbong ng “dynamite fishing” kung saan ang mga mangingisda ay magtatapon ng dinamita sa tubig para makakuha ng mga isda. Pero ang prosesong ito ay nakasisira ng mga yamang-dagat, tulad ng mga batong dagat o “corals” at nakakasira din ng tubig dahil sa mga kemikal na nahahalo sa tubig. Ang kemikals na ito ay nakalalason sa mga isda at maari silang mamatay. Maari ring malison ang tao dahil sa lason na nakuha ng isda.
Upang matugunan ang problema na ito, nararapat na ang gobyerno at ang bawat mamamayan ay magkaisa upang ito ay hindi maulit at pigilan. Isang halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng mga programa o proyekto na makakatulong sa pagpigil ng “dynamite fishing” tulad ng mga fun run at iba pa.
Mga Sanhi sa Pagkasira ng Yamang Tubig
Ang mundo ay binubuo ng tubig at lupa sapagkat 70% ng mundo ay tubig at 30% naman ang lupa. Dahil dito, napakahalaga ang tubig sa atin dahil dito nanggagaling halos lahat ng yaman ng mundo lalo na sa ating bansa. Ngunit, may mga ila’t-ilang mga sanhi na kung saan ang yamang tubig ay sinisira.
Nanganganib ang ating yamang tubig dahil sa polusyon na dulot ng basura, mga pabrika, dumi galing sa canal at asido na galing naman sa ulan. Ang lahat ng mga dulot na ito ay nanggagaling sa aksyon ng mga tao. Marami ang epekto ng polusyon sa tubig; ang mga buhay – isda at coral reefs -- sa ilalim ng tubig ay nanganganib sapagkat ang tubig na kung saan sila’y nakatira ay marumi na at maaring maapektuhan ang kanilang loob, ngunit di lamang ang mga hayop sa ilalim ng tubig ang naapektuhan pati na rin ang mga hayop din na kumakain ng isda, kasama na rito ang mga tao. Maaring mabigyan ng sakit na galing sa isda at mapasa sa bawat hayop at ang malala, maaring maipasa sa ating mga tao. Dadating naman tayo sa nanganganib ng ating kapwa tao, napakahalaga ng tubig sa atin sapagkat ‘di tayo mabubuhay kapag wala ito. Ang ating tubig ay galing sa mga lawa at sa mga ilog, at kung ito’y naapektuhan ng polusyon, malaking impak ito sa atin. Sa larangan naman ng Ekonomiya, mahal ang paglinis ng tubig at maslong mamahal ito kapag ang tubig na ating ginagamit ay galing sa mga maruruming lawa o ilog. Maapektuhan rin ang mga mangingisda, sapagkat hihirap ang kanilang pangingisda at bababa ang kanilang benta at kung mangyari ito, matatamaan ang ekonomiya ng bansa lalo na malaki ang porsyento ng ekonomiya ng bansa ang galing sa yamang tubig. Sabi sa mga research, nawawalan ng halos $1 billion bawat taon ang US dahil lamang sa polusyon sa tubig.
May mga paaran naman upang maiwasan ang polusyon sa tubig, tulad ng pag-iwas ng tapon ng basura sa mga tubig, kahit saan man ‘to. Paggamit ng tubig sa tamang paraan , ang pagtanim ng mga halaman at puno at ang pagsunod sa batas ng gobyerno ukol sa pag-ingat sa ating yamang tubig. Napakahalaga ng tubig sa atin, at dapat lamang natin itong bigyan ng respeto sapagkat may buhay din ito at nakasalalay ang ating buhay dito.
Subscribe to:
Posts (Atom)